5,853

By

ALAMIN: Ano ang coronavirus mula China na kumalat sa iba’t ibang bansa

Isang respiratory virus na nagdudulot ng pneumonia ang nadiskubre sa China.

Kumalat na ang isang uri ng coronavirus sa China at sa iba’t ibang bansa kung saan lumobo sa 17 katao ang namatay.

Ang coronavirus ay isang grupo ng mga virus na nakakapagdulot ng respiratory infections.

Mabilis itong kumalat sa pamamagitan ng direct contact sa taong infected nito.

Kabilang sa sintomas ng pagkakaroon nito ang runny nose, headache, cough, sore throat at fever.

Ang ibang coronavirus strains ay namumuhay sa mga tao habang ang iba ay sa mga hayop.

Nakuha ang tawag na coronavirus sa crown-like spikes na itsura nito, ayon sa NBC News.

Mayroong kabuuang pitong coronavirus ang maaaring maka-infect sa mga tao kabilang na ang coronavirus gaya ng SARS at MERS.

Tinawag na “2019-nCoV” ang bagong virus na mula China.

Wala itong specific treatment at wala ring bakuna para mapigilan ito.

Sa kabila nito, ang mga tinamaan ng virus ay gagamutin sa pamamagitan ng “supportive care” at “symptom management”.

Inirekomenda ng mga eksperto na magsuot ng face mask ang mga pasyente na may coronavirus para maprotektahan ang mga nakapaligid sa kanila.

Maaari ring magsuot ng face mask ang sinuman para hindi mahawa.

Sa kasalukuyan hindi pa batid ang sukat ng coronavirus particles.

Maaari itong ma-disinfect o mapatay sa pamamagitan ng paglilinis sa mga gamit na nahawakan ng taong positibo nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?