45

Nov 18, 2021 @ 19:35
By

ALAMIN: Angkop na booster shot para sa mga bakunado vs COVID

Inilabas ng Department of Health ang rekomendadong booster shot na maaaring ipaturok ng mga health worker na fully vaccinated na laban sa coronavirus.

Matatandaang noong Nov. 17 inaprubahan ng DOH ang pagpapa-booster shot ng mga health worker na nasa A1 priority group.

Puwedeng magpa-booster shot ang mga health worker hindi bababa sa anim na buwan matapos nilang makumpleto ang dalawang dose ng COVID vaccine habang tatlong buwan naman matapos maturukan ng single-dose vaccine.

Para sa mga fully vaccinated ng Sinovac, maaaring magpa-booster ng AstraZeneca, Pfizer at Moderna.

Pfizer at Moderna naman ang rekomendado para sa mga bakunado ng AstraZeneca.

Sa mga naturukan ng Pfizer, maaaring pa-booster shot ng AstraZeneca at Moderna.

Ang mga fully vaccinated naman ng Moderna ay maaaring tumanggap ng AstraZeneca at Pfizer.

Samantala, ang naturukan ng single dose vaccine na Janssen ay puwedeng booster ang AstraZeneca, Pfizer at Moderna gayundin ang nabakunahan ng Sputnik V.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?