23

By

Alamin ang diskarte ng iba’t ibang Pinoy para makaraos sa lumulobong presyo ng bilihin

Sharing is caring!

Sa ngayong hindi na maawat ang patuloy na pagtaas ng bilihin ay labis na pag-aray na ang nararanasan ng ating kababayan, at syempre kami din, ang dami nang bagay na kinakailangang pagkagastusan ng pera ang hindi magawa o hindi mabili dahil sa sa labis na pagtitipid makaraos lang sa araw- araw.

Ayon kay Aling Nelita Almario, 56-anyos ng Barangay North Bay Boulevard South (NBBS), Lungsod ng Navotas, nagmamay-ari ng isang sari- sari store ay labis na pagtitipid na umano ang kanilang ginagawa upang makaraos lang sa isang araw, apat ang kanyang mga anak na nakapisan sa kanila at na-stroke pa ang kanyang mister.

Kung dati ay nakakapamalengke siya ng dalawang beses sa isang araw sa dalawang putahe ring iuulam ng tanghalian at hapunan ay isang beses na lamang ngayon at nagtitira na lamang ng ulam sa tanghalian upang may kainin sa hapunan, hindi rin kasi umano mura ang mga gamot na kinakailangan ng kanyang nabaldadong asawa at hindi naman umano maaaring isakripisyong hindi ito paggamutin.

Sa Barangay 14 naman, Lungsod ng Caloocan ay nakapanayam din ng Abante/Abante Tonite si Liberty Bobiles na isang mananahi at ina ng sampu niyang anak, napakalaking hirap umano sa araw-araw para sa kanya at mister na ikayod ang mga anak lalo na at hindi maawat ang pagtaas na presyo ng mga bilihin.

Hindi na umano nila mapakain ng masusustansiyang pagkain ang mga anak dahil kinakailangan magbawas ng mga bibilhin na siya pa namang mga nagsimahal ngayon, kung dati umano ay nagagawa pa makapagpahinga at mag-relax ngayon umano ay kailangan na kumayod kahit madaling araw pa lamang upang maitaguyod ang mga anak na mga nagsisi-aral pa naman.

Sa Barangay Longos naman, Lungsod ng Malabon ay nakapanayam din naman ang tricycle driver na si Arturo Almonte, 39 anyos, ayon sa kanya ay dahil din sa kinakailangang paghihigpit ng sinturon ay nasasakrispisyo na ang kanilang tamang pagkain, kung dati umano ay nakakakain sila ng tatlong beses sa isang araw, ngayon ay dalawa na lamang, pinagsasabay na nga umano nila ang umagahan at tanghalian upang isang kainan nalang.

At sa hapunan ay tipid-tipid din para kung sakaling may matira ay magagamit muli kinabukasan, madaling araw pa lamang ay bumibiyahe na at namamasada si Almonte upang mabuo ang boundary ng tricycle at makakuha rin ng pangkain bago magtanghalian saka pa lang mamamalengke at makakakain.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?