286
ALAMIN: 7 pang biktima sa Kobe helicopter crash sa California
Jan 28, 2020 @ 14:42
By

ALAMIN: 7 pang biktima sa Kobe helicopter crash sa California

Bukod sa mag-amang Kobe at Gigi Bryant, pitong indibidwal din ang nasawi sa helicopter crash sa Calabasas, California nitong Linggo (US time).

– Ara Zobayan
Siya ang piloto ng nag-crash na helicopter. Ayon sa Federal Aviation Administration, isa siyang instrument-certified pilot na nakuha ang kanyang commercial pilot license noong 2007, at certified flight instructor ng instrument instruction para sa helicopter pilots.

– Christina Mauser
Women’s basketball coach sa Harbor Day School (na pinasukan ni Gigi)

– John Altobelli
Orange Coast College baseball coach, na naging coach nina Jeff McNeil at Aaron Judge

– Keri
Asawa ni Altobelli

– Alyssa
Anak ni Altobelli na kaibigan at basketball teammate ni Gigi

– Sarah Chester

– Payton
High-school student na anak ni Chester

Papunta sana ang mga ito sa Mamba Sports Academy sa Thousand Oaks dahil may basketball tournament ang mga bata roon.

Bagaman bineberipika pa, foggy (mausok dahil sa sobrang lamig, nagdudulot ng low visibility sa paligid) na himpapawid ang tinuturong dahilan sa pag-crash ng nasabing chopper.

Delikado raw bumiyahe kaya hindi pinalipad ng Los Angeles police ang kanilang mga helicopter.

Gayunman, merong “special visual flight rules” (SVFR) clearance ang helicopter na sinakyan nina Kobe, na hinahayaan ang paglipad kahit pa mas malala sa normal ang lagay ng panahon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?