1,205

Feb 28, 2020 @ 12:14
By

Alamin: 3 kasabwat ni Matteo, Sarah sa secret wedding

Binunyag ni showbiz insider Lolit Solis ang tatlong tao na tumulong kina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo para matuloy ang kanilang secret wedding.

Sa Instagram post ni Manay Lolit, pinangalanan niya sina Viva Entertainment boss Vic del Rosario, Dra. Vicky Belo at entrepreneur Virgie Ramos bilang mga taong pinagkakatiwalaan ng AshMatt.

“Sila Boss Vic del Rosario, Virgie Ramos at Dra. Vicki Belo. Ito ang mga taong naging matibay nilang guide para ituloy ang kanilang longtime plan na maging Mr. and Mrs,” sey ni Solis.

Isa si Del Rosario sa nagtanggol kina Matteo at Sarah sa kasagsagan ng kontrobersiya ng rumored panunutok ni Guidicelli sa bodyguard na si Jerry Tamara.

Samantalang nag-post naman si Belo ng IG post kung saan makikita na nagsa-shopping sina Matteo at Sarah ng gamit sa kusina, ilang araw matapos ang kanilang wedding.

Si Ramos naman ay supportive na sa kanilang relasyon noong bago pa lang sila.

Naganap ang wedding sa isang hotel sa Bonifacio Global City sa Taguig noong February 20.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?