140

By

‘Alamat’ sa pamemeke ng dokumento, nakorner ng NBI

Sharing is caring!

Muling natimbog ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation-Anti Organized and Transnational Crime Division ang itinuturong legendary forger o alamat ng pamemeke ng mga dokumento sa bansa na si Manuel Bala alyas Nonoy Bala.

Kanina, iniharap sa media ng NBI si Manuel Bala matapos maaresto noong Biyernes sa Paco, Maynila.

Si Nonoy Bala ay makailang ulit nang nakulong noon pang dekada nobenta dahil din sa pamemeke ng mga dokumento.

Pinakahuling biktima ni Nonoy Bala sina Kevin Keith Fajardo at Jarra Rowella na pinagpanggap na mag-asawa nang mag-apply ang mga ito ng US visa sa US Embassy.

Hindi nagtugma ang iprinisentang dokumento nina Fajardo at Rowella sa US embassy gamit ang pekeng pasaporte kung saan pinalabas silang mag-asawa dahil lumabas sa records ng Philippine Stattistics Authority na walang record na ikinasal na ang dalawa.

Si Nonoy ang sinasabing nag-turo sa dalawa na magpanggap na mag-asawa at siya din umanong nag-provide ng mga pekeng dokumento na iprinisenta sa Embassy.

Nakapag-bayad na umano ang dalawa ng initial payment na P50,000 at ang balanseng napagkasunduang P400,000 na bayad ay huhulugan nalang ng P20,000 kada-buwan kapag nasa Amerika na ang mga ito.

Isinalang na si Nonoy Bala sa inquest proceeding sa piskalya para sa kasong falsification of public documents na isa namang bailable offense.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?