21

Oct 23, 2020 @ 10:11
By

Alalay nagnobela sa b-day ni Mayor Isko

Birthday bukas ni Manila Mayor Isko Moreno, at siyempre, hindi nakalimot ang kanyang Chief of Staff.

Sa isang Facebook post ngayong umaga, dinetalye ni Cesar Chavez kung bakit pumayag siyang magtrabaho sa isang local government unit kahit hindi ito ang kanyang plano matapos magsilbi bilang DOTr Undersecretary.

“When Mayor Isko asked me to be his Chief of Staff and, in my own words, his ‘alalay’ in his journey to reclaim the glory of the City of Manila, I did not hesitate to accept this position because, even though it was not my plan to work in an LGU, the nation’s capital is different and Mayor Isko is a young extraordinary leader,” sambit niya.

“Walang tigil sa pag-iisip. Halos walang pahinga. Buo ang loob at pangarap. Pursigido!”

“In my view, given the right leader with the appropriate vision and sincere intention to serve, the difference the City of Manila makes projects to the entire nation and international community. At ramdam ko po iyon!,” aniya pa.

Pinunto ni Chavez ang pagkamit ng Maynila ng “Good Financial Housekeeping” mula sa Department of Interior and Local Government ngayong buwan, na una aniyang nakamit ng lungsod sa kasaysayan ng local governance doon.

Sa kanya aniyang higit isang taon kasama ang alkalde, masaya siya sa desisyon na maging “alalay” ni Moreno gayong nakikita aniya niya ang “good local governance” sa lungsod.

Ilan sa mga binanggit niyang halimbawa’y ang inisyatibo ng mayor na pagbawi sa mga public space, pagpapanumbalik ng cultural prominence ng lungsod, at “proactive response” sa panahon ng pandemya.

“So as Mayor Isko celebrates his birthday, I also celebrate the right decision I made to work with him and his competent team,” sabi ng chief-of-staff ni Moreno.

“As we celebrate Mayor Isko’s birthday tomorrow, October 24, let us pray to God to always give him good health, long life and a clear understanding of his societal vision to bring progress for all. Happy birthday, boss!,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?