13

Sep 20, 2020 @ 21:29
By

Alak bawal ulit sa Baguio

Muling ipapatupad ang liquor ban sa Baguio simula sa Lunes.

Ito’y inanunsyo ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong kung saan dinahilan nito ang pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa mga katayan ng siyudad.

Kaya umano kumalat ang COVID-19 sa mga slaughterhouse ay dahil umano sa mga drinking session ng mga residente sa naturang lugar.

“It seems that we never learned from our past experience on the dangers posed by overindulging in alcohol,” ayon kay Magalong.

Saaad ng Public Information Office ng Baguio, umabot na sa 38 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa mga manggagawa sa katayan.

Hinahanda na ng alkalde ang executive order para maipatupad ang temporary liquor ban.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?