51

Aug 31, 2020 @ 17:58
By

Alahas nawalan ng kinang sa pandemya

Bumaba ang bentahan ng mga alahas sa Pilipinas dahil sa coronavirus pandemic.

Ayon kay Mia Florencio, presidente ng Guild of Philippine Jewellers, Inc., dumausdos ng 80 porsiyento simula kalagitnaan ng Marso ang jewelry sales matapos ipatupad ang quarantine sa Metro Manila at iba pang rehiyon dahil sa pagkalat ng COVID-19.

“Personally, I am very apprehensive and scared, especially so at the start of the lockdown. In the hierarchy of things, when will people start buying jewelry again? People are saying that cash is king,” pahayag ni Florencio sa ulat ng Inquirer.

Dagdag niya, marami raw kasi ang nagsuspinde ng kanilang mga engagement party at kasal, pati na selebrasyon ng mga pamilya at korporasyon, na kadalasang bumubuhay sa jewelry industry.

Umaasa si Florencio na muling aakyat ang demand sa mga alahas sa panahon ng Kapaskuhan.

Ang pamilya ni Florencio ang nagmamay-ari sa T. Florencio Jewelry.

Sa kanya rin ang Philippine Jewelry Institute at CMF Joia Inc.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?