194

Jan 7, 2022 @ 14:03
By

‘Alagang Ford po’: Kathryn dinedma si Xian

Nag-iingay na naman si Xian Gaza sa social media matapos nitong i-tsismis na may namumuong relasyon kina Daniel Padilla at Barbie Imperial.

Kamakailan kasi nagpost si Xian ng larawan ni Karla Estrada at makikita sa likuran nito si Barbie.

Dahil dito maraming fans ng KathNiel ang nagalit kay Xian at sinabing ‘wag na idamay sa kalokohan ang dalawa.

Dedma naman si Kathryn sa cheating issue, ngunit sinagot niya ito matapos siyang kausapin ni Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa.

Sa Twitter post, ibinahagi ni MJ ang tila naging sagot ni Kathryn sa nasabing issue.

“Alagang Ford po, opo,” ani Kathryn.

Pagbibiro naman ni MJ: “Kabogera ‘yun asa trending topic ha!!!! Ooops na post,”

Hindi na rin pinatulan pa nina Karla, Daniel, at Barbie ang isyu. (Sherrylou Nemis)

Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?