416

By

Alagang bata pinatay sa sakal, isinabit para palabasing suicide

Pinagbuntunan umano ng galit ng isang menor de edad na kasambahay ang alaga niyang 5-anyos na babae, na nauwi sa pagkamatay ng bata, matapos umanong magtalo sila ng kanyang boyfriend.

Ayon sa ulat, para umano pagtakpan ng 17-anyos na suspek ang pagkakapatay niya sa sakal sa biktimang si Keith Andrei Cuarentas ay ibinitin niya ang bata para palabasing nag-suicide ito.

Nangyari umano ang krimen sa bahay ng biktima na anak umano ng mga pulis, sa General Santos City noong Pebrero 13.

Nadatnan umano ng ina na si PO1 Jhaycel na wala nang buhay ang kanyang anak kinahapunan.

Isinugod pa umano ang biktima sa ospital ngunit idineklara itong dead on arrival.

Iti-turnover umano ang suspek sa DSWD dahil menor de edad pa ito.

Ayon sa mga pulis ay umamin na umano ito sa ginawa niya sa bata.

Kasong murder umano ang inihahanda ng pulisya laban sa suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?