60
pacman-dog
By

Alagang aso ni Pacquiao na si ‘Pacman’, nagretiro na

Sharing is caring!

Kapansin-pansin sa mga nagdaang laban ni eight-division world champion Manny Pacquiao na hindi niya na kasama sa pagtakbo ang kanyang alagang aso na si “Pacman”.

Halos 10 taon ding nakasama ni Pacquiao si “Pacman” bilang running mate sa kanyang mga roadwork sa Pilipinas man o sa Amerika habang naghahanda ito sa kanyang mga laban.

Taong 2006 nang hingin ni Pacquiao si” Pacman” sa kanyang kaibigan at chief trainer na si Buboy Fernandez at mula noon ay kasa-kasama na ng Pambansang Kamao sa aso sa pagtakbo.

Noong 2016 lang napansin ng ilang fans na wala na si “Pacman” sa tabi nito habang ito’y nag-eensayo at nagsasanay para kanyang laban noon kontra kay Mexican-American boxer Jessie Vargas.

“Pacman’s been retired. Hindi na isinama ni Manny mula noon. Kasi matanda na raw at mahina na. Hindi na makasunod sa takbo,” ani Noel Lautengco, tagapangalaga ni “Pacman”.

Naalala rin ni Lautengco noong nasa Maynila si Pacquiao para mag-ensayo sa laban nito kay Vargas, marami ang nagtanong sa kanya kung bakit wala na si “Pacman” sa ensanyo lalo na sa pagtakbo.

Hindi pa rin sigurado kung makakasama ang naturang aso sa darating na laban ni Pacquiao sa Kuala Lumpur, Malaysia.

“If I have my say nga, dapat isama kasi isa sa mga good luck charm ni Manny si Pacman,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?