alab-pilipinas

Alab winalis ang HK, pasok na sa ABL finals

Sharing is caring!

Pinag-alsa balutan ng San Miguel Alab Pilipinas ang defending champion Hong Kong matapos padapain kanina 79-72 at masungkit ang tiket sa finals ng Asean Basketball League (ABL).

Pinagana ng Alab ang kanilang depensa sa first half bago nagpakawala ng tres sa third at fourth period para makapasok sa finals.

Ang Alab ang ikalimang Philippine team na nakatungtong sa ABL finals sa walong taong kasaysayan nito. Huling umakyat sa finals ang Pilipinas noong 2013 nang walisin ng San Miguel Beer ang Indonesia Warriors.

Kumana si Renaldo Balkman ng anim na sunod na puntos sa huling bahagi ng third quarter bago nagpakawala ng tig-isang tres sina Bobby Ray Parks Jr., Justin Brownlee at Pao Javelona para sa 16-5 salvo ng Alab.

Makakaharap ng Alab sa finals ang magiging winner sa laban ng Chong Son Kung Fu at Mono Vampire. Lamang sa serye ang Mono ng Thailand 1-0 kontra top seed na Chong Son.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?