101

By

Alab Pilipinas taob sa Macau Black Bears, 84-114

Hindi nagawang makipagsabayan ng San Miguel Alab Pilipinas sa hagupit ng Macau Black Bears at yumuko dito 84-114 sa ASEAN Basketball League sa Foshan International Sports and Cultural Center Biyernes ng gabi.

Naglaro ang Alab na wala sina Lawrence Domingo at Renaldo Balkman dahil sa injury.

Bunsod na kakulangan ng piyesa, nahirapan silang pantayan ang high-scoring Black Bears na sina Mikh McKinney at Dewarick Spencer.

Tumapos ng 43 points si McKinney habang 42 points si Spencer.

Nanguna sa PH squad si PJ Ramos sa tinipong 24 points habang nag-ambag ng 12 si Ray Parks.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?