71

Dec 10, 2018 @ 13:36
By

Alab Pilipinas napanatili ang pwersa, hiniya ang Indonesia

Unang salang, dominante agad ang naging performance ng San Miguel Alab Pilipinas kontra sa CLS Knights Indonesia, 94-67, nitong Linggo sa Sta. Rosa Multipurpose Sports Complex.

Humagupit ang returning reinforcement ng Alab na si Renaldo Balkman, kumamada agad ng 18 puntos sa first half katuwang ang kanyang kakampi sa Puerto Rican national team na si PJ Ramos.

Umabot ang kalamangan sa 30, 78-48, habang patuloy ang pananalasa ng Alab na pinalakas pa lalo ng nagbabalik ring si Bobby Ray Parks Jr., kasama ang mga bagong manlalaro na sina Brandon Rosser, Caelan Tiongson at Ethan Alvano.

Tumapos si Balkman tangan ang 33 puntos, 11 rebounds, tigtatlong steals at blocks habang may 20 puntos, 13 rebounds, limang assists naman si Ramos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?