95

Dec 14, 2017 @ 12:29

Alab Pilipinas kulelat pa rin, taob sa Hong Kong

Sinira ng Hong Kong Eastern ang magandang inilaro ni Ivan Johnson sa Asean Basketball League (ABL) matapos ang come-from-behind 99-96 win laban sa kulelat pa ring Tanduay Alab Pilipinas noong Miyerkules.

Nanguna sa apat nang tagumpay ng HK at wala pang talo si Thai-American Tyler Lamb na nakaiskor ng 32 points kabilang ang krusiyal na mga tira sa huling tatlong minuto ng laban sa Southorn Stadium sa Wan Chai.

Naging tinik naman para sa host team si Fil-German Christian Standhardinger matapos magpakawala ng tatlong tres sa fourth quarter.

Nakakuha man ng team-high 32 points ang Alab mula kay Johnson ngunit naaksaya nila ang 11 puntos na kalamangan sa second half at nawala na ang diskarte sa huling apat na minuto ng laro.

Bagsak pa rin sa 0-3 ang Alab na huling haharapin ngayong taon ang Formosa Dreamers ng Taiwan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?