222

By

Alab Pilipinas, isang panalo na lang para makapasok sa ABL finals

Sharing is caring!

Kailangan na lamang ng San Miguel Alab Pilipinas ng isa pang panalo kontra sa Hong Kong Eastern para isara ang best-of-3 semifinal series nito at makapasok sa finals ng ASEAN Basketball League (ABL).

Kumana si Renaldo Balkman ng single-game playoff record na 46 puntos nang padain ng Alab ang defending ABL champion na Hong Kong sa game 1 na ginanap sa Southorn Stadium nitong Miyerkules ng gabi.

Bagamat nakalayo ang Alab sa 4th quarter 75-62, nagawa ng HK na humabol at ipantay ang iskor 94-94 sa huling minuto ng laro dahil sa magkasunod nitong 3-pointer.

Gayunman naselyuhan ng Alab ang panalo nang ipasok ni Balkman at Justin Brownlee ang mga mahahalaga nitong free throw sa huling sandali ng laro at sungkitin ang panalo 98-94.

Nagdagdag naman si Bobby Ray Parks Jr. ng 23 puntos at 10 rebounds at si Brownlee ng 16 puntos,12 rebounds at 9 assists para sa Alab Pilipinas.

Maaaring tapusin ng Alab ang serye sa game 2 na gaganapin sa Laguna sa darating na araw ng Linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?