57

By

Alab Pilipinas handa nang magpasiklab sa bagong season ng ABL

Sharing is caring!

Handa nang depensahan ng defending champion Alab Pilipinas ang kanilang korona sa darating na 2018 ASEAN Basketball League.

Dumalo lahat ng sampung teams na makikipagbakbakan sa ABL noong preseason press conference nitong Martes sa Mariott Hotel.

“From our humble beginnings, we are now an important player in the international basketball scene,” sabi ni Chief Operating Officer Jericho Ilagan.  “The ABL’s purpose was to create basketball memories that would stand the test of time. For the past eight seasons until now, that has driven the league to greater heights,”

Pangungunahan ni back-to-back MVP na si Ray Parks Jr. ang kampanya ng Alab Pilipinas, pati na rin ang imports na sina Renaldo Balkman at PJ Ramos.

Magiging malaking banta sa national team ang runner-up Mono Vampire  sa Thailand, pati rin ang Hong Kong Eastern at Macau Black Bears (dating Chong Son Kung Fu) na kapwa semifinalists.

Unang matutunghayan ang Alab Pilipinas sa Disyembre 9 labam sa CLS Knights sa Sta. Rosa Multi Purpose Complex.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?