alab-mono
By

Alab ni Alapag, ipapalag ang korona vs Mono Vampire!

Sharing is caring!

Patayan kung patayan!
Hindi hahayaan ng Alab Pilipinas na mapahiya sa sariling lugar sa muling pagtatangka na maiuwi ang korona ng 2018 ASEAN Basketball League sa pagsagupa sa Mono Vampire ng Thailand sa matira-matibay na Game 5 ng best-of-five championship series sa Sta. Rosa Sports Complex sa Laguna.

Ganap na alas-otso ng gabi kukumpletuhin ng Alab Pilipinas ang hindi nito nagawa sa unang tsansa masungkit ang titulo matapos mabigo sa pisikalang Game Four na sinikwat ng Vampires, 88-83.

Dismayado si Alab Pilipinas head coach Jimmy Alapag sa officiating ng laban na naglimita kay Renaldo Balkman sa krusyal na bahagi ng laro dahil sa foul trouble para magtala lamang ng 18 puntos at 13 rebounds sa loob ng 33 minuto.

“I wasn’t happy with the referees’ calls tonight. No way ‘Balk’ is attacking the basket like that aren’t fouls, but yet on our end, they are calling touch fouls,” sabi ni Alapag bagaman aminadong hindi rin katanggap-tanggap ang kanilang 26 na error.

Ang hindi paglalaro ni Balkman sa pagsisimula ng 4th dahil sa apat na foul ang nagtulak sa Vampires na ihulog ang 10-2 bomba para igapos ang serye sa winner-take-all na giyera ngayong gabi.

“We still hurt ourselves. Season-high in 26 turnovers, can’t happen in a closeout game. That’s on us,” himutok ni Alapag.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?