92

By

Alab nanganganib mawalis sa ABL

Tuloy sa pagkakadapa ang San Miguel Alab Pilipinas matapos bumagsak sa Hong Kong Eastern, 88-90, Biyernes ng gabi sa Hoopsdome sa Cebu City.

Ito na ang ikalimang sunod na pagkatalo ng Alab matapos ang fourth straight loss nila sa elimination round.

Huli na ang paghahabol ng defending champions sa 13.9 segundo ng laro.

Nakabalikwas ang Hong Kong mula sa pagkakaiwan ng 15 points sa third quarter para makuha ang momentum, 90-86, pero naging malamya ang kanilang depensa at hinayaang makawala si Renaldo Balkman sa easy lay-in.

Pagbalik sa timeout, dahil sa malagkit na depensa ni Ethan Alvano napuwersa si Marcus Elliott na mag-commit ng backcourt violation at naibalik ang bola sa Alab.

Nadulas si Parks pero nailigtas ni Caelan Tiongson ang bola at naibalik sa una.

Binigyan si Parks ng magandang screen ni PJ Ramos pero bigo siyang maipasok ang bola matapos magdalawang-isip na tumira sa papatapos nang oras na magpapatabla sana sa iskor.

Kinakailangan nang bumalikwas ng Alab sa best-of-three quarterfinals series sa ABL Season 9 Playoffs dahil isang talo pa nila sa Miyerkoles, April 3 sa Southorn Stadium laban sa Hong Kong ay mag-aalsa balutan na sila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?