79

Nov 30, 2017 @ 9:33
By

Alaala ni Princess Diana nasa engagement ring ni Meghan Markle

PINAKITA na ng newly-engaged couple na sina Prince Harry at American actress Meghan Markle ang engagement ring na simbolo ng kanilang pagmamahalan.

Si Prince Harry ang mismong nag-design ng naturang singsing na isang three-stone ensemble.

Ang pinakagitna at pinakamalaking diamond at mula pa sa Botswana.

Galing nga raw ang tatlong diamonds sa personal jewelry collection ng yumaong ina ni Prince Harry na si Princess Diana. Minana raw niya ang jewelry collection na iyon at ginamit niya ang ilang diamonds bilang alaala ng kanyang ina.

Titira nga ang soon-to-be royal couple sa cottage ni Harry na located sa loob ng Kensington Palace sa Central London.

“Thrilled, over the moon,” ang reaction ni Harry noong pumayag na si Meghan na maging fiancée niya.

Inamin ni Harry na unang pagkikita pa lang nila ni Meghan ay na-in love na siya. Bibigyan nga ng titulo sina Harry at Meghan bilang Prince and Princess of Sussex.

Si Harry ang fifth-in-lone sa British throne. Si Meghan ang kauna-unahang American na papasok sa Royal Family.

Bago nakilala si Meghan bilang actress sa TV series na Suits, nagsimula ito bilang isa sa mga models ng American game show na Deal Or No Deal.

Ipinanganak at lumaki sa Los Angeles, California ang 36-year-old actress. Nagtapos ito sa Northwestern University with a degree in international studies and theater.

Noong November 27 ang naging official engagement date nila. (Ruel Mendoza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?