281

Dec 20, 2017 @ 14:02
By

Akyat-bahay timbog sa kalabog

Nasakote ang isang kilabot na akyat-bahay ng Rizal matapos mahuling nasa loob ng bahay ng biktima at tanging cellphone lamang ang nakuha, kamakalawa ng madaling-araw sa Barangay Fortune, Marikina City.

Batay sa report na nakalap mula sa Marikina PNP, sinabi nito na kilabot na akyat-bahay gang member ng Rizal ang suspek na nakilalang si Dennis Dela Cruz y Licad, 42, residente ng Eastwood, Mamburas, San Rafael, Rodriquez, Rizal.

Naganap ang insidente bandang alas-5:30 ng madaling-araw nang magising ang biktima na si Reymark Yadao y Cuaresma, 25, residente ng Block 1, Lot 15, San Miguel Phase 3, Fortune, Marikina City dahil may narinig na kalabog sa labas ng kanyang kuwarto.

Nang labasin ni Yadao ay nagulat nang makita ang suspek na hawak pa ang kanyang MyPhone cellular phone na agad na tumakbo palabas ng bahay ngunit naharang naman ng mga kapitbahay nang makita ang suspek.

Nahaharap sa kasong theft ang suspek at kasalukuyang nakakulong sa Marikina detention cell. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?