75

Dec 10, 2017 @ 15:34
By

‘Akyat-bahay’ na masahista, kalaboso

Tiklo ang isang masahista na nagtangkang manloob sa isang boardinghouse sa Sampaloc, Maynila kaninang madaling araw, Disyembre 10.

Kinilala ni MPD Station 4 Commander, Supt. Aquino Olivar ang suspek na si Ken Ong, 39-anyos, massage therapist, at residente ng Lot 1 Blk 9, Mansion St., Antipolo City.

Sa salaysay ng biktimang si Dionilo Gatpo, 56-anyos, may-asawa, negosyante at naninirahan sa 522 Main St., Sampaloc, Maynila, alas-4:30 nang maganap ang tangkang panloloob ng suspek sa kanilang bahay.

Papasok umano sa comfort room si Gatpo nang mapansin ang suspek na nasa loob na ng kanilang bahay at pinipihit ang door knob ng isa sa pinto ng mga kuwarto kung saan ay natutulog ang mga boarder.

Hindi na hinayaan pa ng complainant na makaporma ang suspek na agad niyang dinamba saka dinala sa tanggapan ng Barangay 402 Zone 41 kung saan ang suspek ay tinangkas ng pulis upang maimbestigahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?