35
Akyat-bahay
By

Akyat-bahay arestado sa panloloob sa bahay ng pulis

Sharing is caring!

Arestado ang isang miyembro ng Akyat-Bahay Gang matapos looban ang bahay ng isang pulis sa Navotas City nitong Biyernes, Enero 13, ng madaling-araw.

Sa ulat ni P/Supt. Ferdinand Balgoa, ng Navotas City Police, alas-tres ng madaling-araw naganap ang insidente sa bahay ni PO1 Jerry Conde sa Adelfa Street, Merville Subdivision, Barangay Tanza ng nasabing lungsod.

Nasa kahimbingan na ng tulog nila ang biktima at kanyang pamilya nang dumating ang suspek na si Merlin Sison, 37-anyos, at tahasang pasukin ang bahay ng mga biktima.

Dinampot ng suspek ang lahat ng kanyang mabibitbit kung saan umakyat pa ito sa ikalawang palapag ng bahay, pumasok sa silid ng pulis at kinuha ang mga cellphone at laptop dito.

Tumakbo pababa ang suspek kaya’t nagising ang biktima at nakita ang suspek na papatakas.

Hinabol niya ito at nakorner kung saan nakuha niya ang mga gadget at laptop na ninakaw ng suspek kabilang ang nasa P24,000 na halaga ng pera.

Sa imbestigasyon, nalaman na dumaan sa likurang bahagi ng bahay ang kawatan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?