14
arestado
By

Akusado sa pagpatay sa tabloid reporter, arestado sa QC

Sharing is caring!

Nadakip ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Masbate ang akusado sa pamamaslang kay Remate tabloid reporter Joaquin Briones, alyas Dos Por Dos, sa Visayas Avenue, Quezon City kaninang umaga.

Kinilala itong si Antonio del Rosario, alyas Ronnie del Rosario, alyas Panoy, 30-anyos, residente ng Brgy. Tandang Sora, Quezon City.

Matatandaang pinatay si Briones noong Marso 13, 2017 nang pagbabarilin ng riding in tandem sa Masbate.

Ayon kay PNP-CIDG Bicol Region Chief, Senior Supt. Wilson Asueta, alas-siyete ng umaga kanina nang maaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder na inisyu ng Regional Trial Court Branch 44 Masbate City.

Batay sa imbestigasyon, natukoy ng PNP-CIDG Masbate, ang naarestong suspek ay miyembro ng Sako Gang na sangkot sa mga nagaganap na robbery, hold-up at gun for hire at most wanted person sa Balud Municipal Police Station sa Masbate.

Nasa CIDG sa Camp Crame na ang suspek para sa temporary detention at documentation. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?