greenwich

Aktres, nagbabayad lang ng $28 na renta sa NYC apartment

Sharing is caring!

Alam ng marami na mahal manirahan sa New York City.

Pero si Patricia O’Grady ay lakas-loob na lumipat noong 1955 sa NYC para ituloy ang kanyang career bilang aktres.

Kasama ng tatlo niyang kaibigang babae, nakakita sila ng 2-bedroom apartment sa taas ng four-story commercial building.

Kapalit ng pananatiling laging malinis ang gusali, pinagbayad lang sila rito ng $16 kada buwan na renta.

Ilang taon ang lumipas, umalis na ang mga kasama ni O’Grady pero nanatili pa rin siya rito.

Noong Marso, namatay si O’Grady nang masagasaan habang naglalakad malapit sa kanyang bahay. Dahil sa kanyang pagkamatay, nabuksan ang isyu ng paninirahan nito sa Greenwich Village at sa kanyang apartment.

Hindi naman makapaniwala ang realtor na si Gary Nurenberg sa binabayarang renta ni O’Grady dahil umupa rin siya rito pero ang ibinayad niya ay $5,000.

Nasorpresa rin maging ang bagong landlord ni O’Grady na si Adam Pomerantz na nakabili sa gusali noong 2002.

Namatay na kasi ang dating may-ari ng gusali pero sinabi ng executor ng estate na hindi niya tinaasan ang renta ni O’Grady dahil gusto niya ito at magkaibigan sila.

Nang mabili ni Pomrenatz ang property, nagbabayad na si O’Grady ng $26.45 kada buwan. Kinuwestiyon ito ni Pomrenatz sa kanyang abogado at iginiit nito sa kanya ang rent-stabilization laws, pero maaari naman aniyang dagdagan ang renta ng $1.98 kada buwan.

Tinaasan niya nga si O’Grady ng $1.98 kada buwan at maaari pa niya itong dagdagan kada taon pero mas pinili ni Pomrenatz na huwag na dahil naging magkaibigan na sila ng aktres at napakabait umano nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?