43
views

By

Aktres bistado ang kaipokritohan

Sharing is caring!

BAKIT kaya HB ang tawag ng kanyang mga tagahanga sa isang pamosong female personality? Akala ng marami ay high blood ang ibig sabihin nu’n, pero hindi pala, ang ibig sabihin ng sinasabi nilang HB ay Hypocrite Bitch.

Iba raw kasi ang mga sinasabi ng aktres sa kanyang mga ginagawa. Goody-goody raw siya sa harap ng mga camera, kahanga-hanga, pero sa totoong buhay ay kabaligtaran nu’n ang mga nagaganap.

Sabi ng aming source, “Super-plastic daw si ____(pangalan ng pamosong aktres), ibang-iba siya sa nakikita natin oncam. Namemersonal pala ‘yun ng mga fans niya?

“Naninita pala siya, agad-agad na nakikinig sa mga sulsol sa kanya, kaya HB ang tawag sa kanya mismo ng mga tagahanga niya! Nangde-deadma siya ng mga faney kapag may nakararating na kuwento sa kanya kahit hindi naman totoo!” paliwanag ng aming impormante. (Cristy S. Fermin)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?