52

Oct 8, 2017 @ 13:00

Aktor, walang utang na loob sa manager niya

Sumama raw ang loob ng isang manager sa kanyang alagang aktor. Kasi naman, nang nagsisimula pa lamang ito, halos igapang niya nang husto para lang mabigyan siya ng mga raket, projects at endorsements.

Naging matagumpay naman siya sa aspetong ito kahit paano. Unti-unti na nga raw ito nakikilala pero hindi pa talaga sagad-to-the bones ang kanyang kasikatan as of now. Medyo, medyo lang, pero okey na rin, kumbaga.

Hanggang dumating nga ang isang mahalagang okasyon sa buhay ng kanyang talent.

May malakihang handaan ito para sa kanyang pamilya, mga kaibigan at mga tagahanga.

Hindi man daw siya involved sa preparasyon dahil isang family occasion nga raw ito, pero naman, ‘yung hindi siya imbitahan ay isa namang malaking ‘hellow’ sa kanyang buhay.

Ni imbitasyon nga raw ay hindi siya pinadalhan nito, o maging text message man lang.

Alam niya ang kaganapan ng lahat, dahil kalat ang mga litrato ng mga okasyon sa social media accounts ng pamilya, mga kaibigan at fans.

Naku, ‘di nga naman ang hindi malolokah nito, huh? At ang palusot, nakalimutan lang daw siya. Ano itech, makapag-excuse lang? Walang utang na loob, ha! ‘Yun na! (Glenn Regondola)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?