2,013

Nov 24, 2021 @ 19:14
By

Aktor pumalo na sa P3M ang hospital bill

Nanawagan ng tulong ang isang aktor dahil kasalukuyang nasa ICU ang kanyang asawa at umaabot na sa P3 milyon ang bayarin nila sa ospital.

Ayon kay Andrew Schimmer, inatake ng malalang hika ang kanyang misis na si Jorhomy “Jho” Rovero na nauwi sa cardiac arrest at brain hypoxia o pagkawala ng hangin sa utak.

Tatlong linggo na raw nasa intensive care unit ng St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City, Taguig City ang kanyang asawa.

Dahil dito, lumobo na ang medical bills ni Jho sa halos P3,000,000.

“Ako po’y kumakatok sa inyong mga puso my wife Jho is still fighting for her life right now in St. Lukes Global ICU because of SEVERE ASTHMA ATTACK na nagresulta sa Cardiac Arrest at Brain Hypoxia o pagkawala ng hangin sa brain.

“Kaya 3 weeks na po sha sa NCCU ng St.Lukes Global Medical Center, at hanggang ngayon ay lumalaban parin po sha pra sa kanyang buhay. Nangangailangan po sha ngayon ng malaking halaga upang maipagpatuloy po ang kayang mga medications sa ICU, kaya naman po mapasa hanggang ngaun ay lumilikom po ng pera ang knyang buong pamilya at mga kaibigan upang matugunan po namin ang kanyang mga medical needs and bills na umabot na po ng halos 3 Million,” saad ni Schimmer sa Facebook post.

Maaari raw magbigay ng tulong sa bunsong kapatid ni Jho na si Ruby Jennifer Rovero sa BDO account na 004600187507 o sa GCash na 0917-3011957.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,