455

By

Aktor naiyak sa taxi scandal

Humingi ng paumanhin si Hong Kong celebrity Andy Hui matapos malantad sa isang pahayagan ang mga larawan ng pakikipaglampungan niya sa aktres na si Jacqueline Wong.

Ito’y sa kabila na may asawa na si Hui, ang Hong Kong pop star na si Sammi Cheng.

Idinokumento sa isang video ang insidente at isinapubliko ng Apple Daily.

Makikita rito ang 51-anyos na aktor kasama si Wong sa loob ng taxi at naghahalikan.

Samantala, nagsisisi rin si Wong sa pagpatol sa may asawa nang si Hui at pagtataksil din sa kanyang boyfriend na si Kenneth Ma Kwok-Ming.

Ikinagulat ng Hong Kong entertainment industry ang affair nina Wong at Hui dahil isa sa mga ikinokonsiderang “fairytale couple” sina Hui at Cheng.

Matapos ang expose ng Apple Daily sa scandal, nagsagawa ng press conference si Hui kung saan inamin niya ang pangangaliwa kay Cheng at naiyak pa sa kanyang pagkakamali.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?