1,611
Aktor nadamay lang: Sinaksak ni Jiro, manyak na stalker!
By

Aktor nadamay lang: Sinaksak ni Jiro, manyak na stalker!

Lumantad sa social media ang babaeng sinasabing self-defense lang ang ginawa ni Jiro Manio matapos itong mahuli sa pananaksak sa Marikina City, Biyernes ng gabi.

Ayon sa post ni Genevieve Galvez, stalker niya umano ang nasaksak ni Jiro na tinawag niyang Zeus, na batay naman sa report ng pulisya ay Zeus Doctolero Jao ang buong pangalan.

Saad ng netizen, nireklamo na niya umano si Zeus sa mga pulis dahil sa pagtambay nito sa labas ng kanilang bahay, ngunit hindi pa rin nadala dahil patuloy pa rin ang pagbalik dito.

Ayon pa kay Galvez, kaya nasaksak si Doctolero ay dahil tinitigan umano nito si Manio at hinampas ng helmet kaya ginantihan ng dating child actor.

Nagbahagi rin ng screenshot ang netizen ng mga mensahe umano ni Doctolero na yinayaya siyang makipagtalik.

Noong January 11 umano ay nireklamo muli si Doctolero matapos siyang abangan sa labas ng kanilang bahay.

Sa ngayon ay nakapiit si Manio sa Marikina detention cell dahil sa kasong attempted homicide.

Habang ligtas naman si Doctolero matapos itong maisugod sa Amang Rodriguez Hospital.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?