26

Oct 25, 2021 @ 14:01
By

Aktor mula ‘Friends’ tigok sa cancer

Pumanaw na si James Michael Tyler o mas kilala bilang “Gunther” sa hit 90s TV show na “Friends.”

Batay sa ulat ng Variety, nasawi ang 59 anyos na aktor sa Los Angeles dahil sa prostate cancer.

“Warner Bros. Television mourns the loss of James Michael Tyler, a beloved actor and integral part of our FRIENDS family. Our thoughts are with his family, friends, colleagues and fans,” saad sa isang pahayag.

Gumanap si Tyler bilang empleyado sa Central Park cafe kung saan madalas yumambats ang 6 na magkakaibigan sa naturang sitcom. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?