117
views

By

Aktor isinusuka ng dating ka-loveteam

Sharing is caring!

Sa naganap na GMA Thanksgiving Party noong Biyernes ng gabi ay sama-samang nag-enjoy ang mga GMA executive at mga artista nila sa isang napakasayang gabi. Lahat ay sama-samang nagkantahan at sayawan. Akala naming dinner lang dahil event ‘yun ni Atty. Felipe Gozun na hindi nagpupuyat pero kabaligtaran pala.

May mga tinawag sa stage para maki-jam sa banda at isa dito ay da­ting magkasama sa ilang programa in the past. Ang babae pa daw mismo ang tumawag para paakyatin sa stage ang co-actor. Habang nagkakantahan daw ay marami ang nakakita sa inasal ng babae na tatak na niya at kaya inaayawan makatrabaho ng iba. Mistulang sukang-suka ang aktres habang ka-duet ang dating ka­tambal sa ilang teleserye. Umiling na lang ang actor at hindi na ito pinatulan. Pero noon baliw na baliw sa aktor ang aktres na halos ayaw ng bumitiw sa una. Mukha naman daw kabibe ang ipinalit. Ano ba ‘yan????

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?