22

Oct 26, 2021 @ 10:18
By

Aktibong kaso ng COVID sa ‘Pinas bumaba sa 57K

Naitala ng Department of Health (DOH) nitong Lunes ang 4,405 bagong COVID-19 cases sa bansa.

Batay sa report na inilabas ng ahensya, 2,761,307 na ang kabuuang bilang ng nasapol ng virus sa bansa kung saan 57,763 dito ay aktibo.

Anang ahensya, ito na ang pinakamababang active cases na naitala simula Hulyo 29.

Sa 57,763 ,76.2% dito ay mild, 6.5% ay asymptomatic, 5.3% ay severe, at 2.3% naman ang nasa malubhang kondisyon.

Umakyat naman sa 2,661,602 ang bilang ng mga nakarekober sa sakit matapos maitala ng 7,561 bagong nakaligtas na pasyente.

Samantala, 149 naman ang bagong nasawi dahil sa COVID dahilan para umakyat sa 41,942 ang death toll rate ng Pinas sa COVID. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?