10

Oct 31, 2020 @ 20:47

Aksyon sa PBA balik sa Martes

Smart Clark Giga City – Tuloy ang mga laro ng PBA Philippine Cup sa Pampanga bubble sa Martes, Nov. 3.

Natigil mula Biyernes, siniguro ng liga na sumusunod sa protocols na inihatag ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Siniguro ng tanggapan ni Commissioner Willie Marcial ang kaligtasan ng 350 participants sa bubble.

Sa muling balik ng mga laro ay makukumpleto na ang 10-day isolation ng Blackwater player mula sa date ng swabbing.

Patatapusin din ang 14-day quarantine ng mga magpopositibo sa tests sa mga susunod na araw.

Magtatalaga ang liga ng independent marshal na magbabantay at maninigurong naipapatupad ang protocols, base sa rekomendasyon naman ng DILG.

Sa pakikipag-kooperasyon ng Clark Development Corp., bibigyan ang PBA ng hiwalay na temporary quarantine facility sa loob ng Clark Freeport Zone.

“We would like to reiterate that the PBA bubble has not been breached, but we must always strengthen our protocols in consultation with the IATF and NTF to ensure the safety of everyone in the bubble,” anang statement ng PBA. (VE)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?