103

Dec 23, 2017 @ 14:22

Aksidente sa flyover nagdulot ng 2-oras na trapik

Nagresulta ng dalawang oras na trapik ang aksidenteng kinasangkutan ng isang sports utility vehicle (SUV) na dumausdos sa flyover sa Lacson Street sa Barangay Bata, Bacolod City, Biyernes ng umaga.

Ayon kay Sr. Inspector Jun Ray Batadlan, hepe ng Police Station 3, pauwi na ang driver na si Jeremiah Lopez, 23, ng Villa Carmen Subdivision, Silay City, Negros Occidental, ng kanyang bahay dakong alas-singko ng madaling-araw nang dumausdos siya sa concrete barrier ng flyover.

Aminado namang inaantok si Batadlan nang mangyari ang insidente at galing umano siya sa Christmas Party.

Hindi naman nasaktan ang lalaki na tinulungan ng isang rider na makalabas ng kanyang sasakyan.

Bandang alas-siyete na ng umaga nang maialis ng towing truck sa lugar ang sasakyan nito, ayon sa SunStar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?