32

By

Akomo ng UST nagka-blood clot, nasa ICU pa

Sharing is caring!

Kasalukuyang nagpapagaling ngayon sa ospital ang sentro ng University of Santo Tomas na si Steve Akomo, ayon sa The Varsitarian, ang opisyal na pahayagan ng eskuwelahan.

Nasa intensive care unit (ICU) ng UST Hospital ngayon si Akomo matapos makita ang blood clot sa kanyang utak at sasailalim sa surgery.

Nagkabanggaan si Akomo at si Papi Sarr ng Adamson noong Setyembre 22, kung saan natalo ang Growling Tigers, 71-79.

Nakapaglaro pa si Akomo sa laban ng UST kontra Ateneo makalipas ang pitong araw.

Ayon kay UST head coach Aldin Ayo, Oktubre 2 pa huling nagensayo si Akomo kasama ang team ngunit hindi na ito nakapaglaro sa huling dalawang laban ng Growling Tigers laban sa La Salle at UE.

Kasalukuyang may average si Akomo na 9.8 points at 9.5 rebounds per game.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?