45

By

Ako PBA GOAT? Fajardo sumagot

Sharing is caring!

“Para sa’kin, yung MVP hindi basehan kung ikaw na ba yung pinakamagaling sa lahat. Para sa’kin, kung ano na-contribute mo sa league,”

Ito ang naging sagot ng 43rd season PBA MVP na si June Mar Fajardo matapos siyang ituring GOAT o mas kilala na Greatest Of All Time.

Matapos siyang makakuha ng iba’t ibang award, samu’t sari na ang mga papuri na kanyang natatanggap sa PBA.

Para sa Cebuano star, ayon sa kanyang interview sa Tiebreakertimes mas madami ang mas magaling sa kanya at mas bagay na tawaging GOAT.

“May mga nauna pa sa’kin, may mga legends na nauna pa sa’kin, sila yung maituturing na GOAT,” sagot niya sa mga nag sasabi siya na ang bagong pangmalakasan ng liga.

Samantala hindi maitatanggi na maraming PBA fan ang nagsasabi na siya na ang magaling sa kasaysayan ng PBA pero ang Cebuano star ay nanatili pa ring humble sa kabila ng mga papuri at pagkilala sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?