83

Jan 15, 2022 @ 9:18
By

‘Ako nga pala sinaing mo’: Wil ‘di pinalampas ‘patama’ ni Alodia

Patok sa mga netizen ang tila batuhan ng patama sa pagitan ng dating magkarelasyon na sina Alodia Gosiengfiao at Wil Dasovich.

Matatandaang noong Enero 13 ay unang nagpost si Alodia ng isang larawan kung saan may caption na: “Hi. Ako nga pala yung sinayang mo.”


Dito ay nagkomento ang kapatid ni Alodia na si Ashley ng: “Tag ko na ba?”

Sumagot pa si Wil sa komento ni Ashley: “‘Wag na, nagbo-blow up na [phone] ko. Alam ko na! Naku po.” Binura naman ito ng lalaki.

Gayunman, ‘di nagpahuli si Wil at nitong Biyernes ay nagpost ng larawan habang may hawak na rice cooker na may lamang kanin.

“Hi, ako nga pala yung sinaing mo,” saad sa caption ni Wil, na pinagkaguluhan ng mga netizen sa Facebook at ngayo’y may mahigit 21,000 shares na.


Sa kabilang dako, sa isa pang post ay ipinaliwanag ni Alodia na may mga admin siya sa kanyang page na nagpopost ng mga meme, na masyado naman umanong sineryoso ng mga netizen.

“Thank you guys for the support but yesterday’s post was based on a meme quote I saw somewhere on the intarweb but a few people took it seriously so sorry for the confusion!” saad ni Alodia. (MJD)


Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?