119

Ako ang dapat sisihin – Parks sa pagkatalo sa Ginebra

Inako ng bagong TNT KaTropa guard na si Bobby Ray Parks Jr ang dikit na talo ng koponan kontra Ginebra, 96-93, nitong Biyernes ng gabi.

Ayon sa super rookie, nag-aadjust pa siya sa sistema ng kanyang bagong koponan, at pinapangakong mag-iimprove pa sa mga susunod nilang laro.

Tumapos si Parks tangan ang 17 points, tigdalawang rebounds at assists, sahog dito ang magandang tikada sa tres sa 4-of-8 shooting.

“It was definitely a great game. Just the breaks went the other way. I take full responsibility for the loss. Talk ‘N Text is a great group and I’m still adjusting but the guys did a great job of taking me in. I have to step up to the plate and be better,” ayon sa two-time ABL local MVP.

“There was a quick transition but my teammates and coaching staff did a great job of accepting me and trying to implement the system. Sometimes, it’s different when it’s lights on, showtime, and like I said, the game is different. Everything is quick and I got to get back into really knowing the system at the back of my head,” aniya pa.

Naglalaro ang TNT na wala ang kanilang star player at leader na si Jayson Castro dahil sa injury, at inaasahan na sa pagbalik nito ay bubuo ng one-two punch kasama si Parks.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?