192

By

Ako ang bagong Manny Pacquiao! – Keith Thurman

Muling umandar ang ere ni Keith Thurman, ngayon ay kinukumpara ang sarili sa eight-time division champion Manny Pacquiao.

Ayon sa report ng RingTV, saad ng makakatunggali ng ‘Ang Pambansang Kamao’ na siya na marahil ang susunod sa yapak nito dahil sa entertainment factor na dinadala niya sa lona.

“It doesn’t matter who it is, when Keith Thurman fought Shawn Porter, it was nominated fight of the year. When Keith Thurman fought Danny Garcia, the fans had a tremendous show,” saad ng Amerikano.

“Keith Thurman fights Manny Pacquiao, or Keith Thurman fights Errol Spence, or Keith Thurman fights Bud Crawford, I think Keith Thurman is the new Manny Pacquiao,” yabang pa nito.

Maghaharap ang dalawa sa Linggo, Hulyo 21 sa Pilipinas, para sa WBA welterweight ‘regular’ belt, na kasalukuyang hawak ni Pacquiao.

Itataya ni Thurman ang kanyang undefeated slate (29-0) sa ika-71 nang laban ng senador ding si Pacquiao.

“Like I said, I bring entertainment to the welterweight division, always have, always will. If I win, I’m your entertainment. If I lose, I’m your entertainment. Keith ‘One Time’ Thurman is one of the greatest welterweight fighters in the world today, hands down,” giit pa ni Thurman.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?