16

Nov 23, 2021 @ 16:21
By

Akhuetie parte ng Nigerian national team pool

Kinuha ang dating NCAA at UAAP player na si Bright Akhuetie para maging parte ng national team pool ng Nigeria para sa 2023 FIBA World Cup African qualifiers.

Huling naglaro si Akhuetie sa UP Fighting Maroons na tinulungan niyang makarating sa finals ng UAAP Season 82.

Naging MVP rin siya ng UAAP Season 81.

Bago ito ay naglaro rin siya para sa Perpetual Help Altas sa NCAA.

Sakaling makapasok sa final team, sasalang si Akhuetie sa African qualifiers na lalarga sa Nobyembre 26.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?