6

Akhuetie naghalimaw sa UAAP, pumuwesto sa tuktok ng MVP race

Sharing is caring!

Unang salang pa lang ni Bright Akhuetie sa UAAP ay pinatunayan na niyang siya ang pinakadominanteng manlalaro sa liga ngayon.

Nangunguna ang UP import sa MVP race kung saan nakakuha siya ng 77.00 Statistical Points (SPs) sa kanyang per game averages na 15.7 points, 15.7 rebounds, 3.6 assists at 2.1 blocks.

Sumunod naman kay Akhuetie ay ang UE gunner na si Alvin Pasaol kung saan nagtala siya ng 71.57 SPs mula sa kanyang 23.7 points, 10.1 rebounds, 1.6 steals.
Kasama sa top five ay sina Angelo Kouame ng Ateneo na may 68.42 SPs, Justine Baltazar ng La Salle (64.57 SPs), at Juan Gomez de Liano ng UP (60.57 SPs).

Kumumpleto sa top ten sina Jerrick Ahanmisi ng Adamson (57.71 SPs), CJ Cansino ng UST (57.42), Papi Sarr ng Adamson (55.85 SPs), Aljun Melecio ng La Salle (55.28 SPs), and Sean Manganti ng Adamson (54.0 SPs).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?