61

Aug 2, 2021 @ 11:22
By

Akbayan-Youth chairperson RJ Naguit tatakbo sa Kongreso

Kinumpirma ni Akbayan Partylist chairperson RJ Naguit na tatakbo siya sa Kongreso sa halalan 2022.

“Yes, I will run for Congress this 2022,” pagkumpirma niya sa isang tweet kahapon.

“Mga kasama sa iba’t ibang adbokasiya, hoping for your continuous support as we push for reforms in the health sector!” pagpapatuloy niya.

Sa hiwalay na tweet, sinabi ni Naguit na kailangan nang tuldukan ang “Dutertismo.”

“We already lost so much and more are at stake in 2022. Time for us to make elections about us and our communities. Resist and push back against Dutertismo!”

Nagpasalamat naman ang chairperson sa suportang natanggap niya sa publiko ngunit aniya, sa panahon ngayon, kayang patumbahin ng pamahalaan ang sino mang hindi sang-ayon sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?