128

Sep 16, 2021 @ 14:39
By

Akbayan sa ICC: Panelo ‘wag pansinin

Binanatan ng Akbayan Partylist si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo kaugnay ng naging pahayag nito na hindi makakapasok ng Pilipinas ang mga imbestigador mula sa International Criminal Court (ICC).

Matatandaang nagdesisyon ang ICC na ituloy ang imbestigasyon sa war on drugs ng Duterte administration, isang bagay na hindi umano mangyayari ayon kay Panelo.

“Nilalabag nila ang ating karapatan, that’s interference into our domestic affairs,” pahayag ni Panelo sa isang panayam.

“‘Yung ating bansa, napakalusog ng judicial system. Alam natin na lahat ng mga kaso na hinahain napo-prosecute, meron tayong process na sinusunod,” aniya.

Kaya naman niresbakan ng Akbayan ang pahayag na ito ni Panelo.

“We call on all stakeholders in the country, inside and outside the government, to ignore Mr. Panelo. He, too, will have his day of reckoning. His statement is a crime in itself as it impedes the due administration of justice. We must fully cooperate with the ICC. Non-cooperation is collusion and obstruction of justice. While we value the right of a state to its own self-determination, sovereignty cannot be used as a shield against state-sponsored killings and impunity,” pahayag ni Akbayan first nominee Perci Cendaña.

Isa ang naturang partylist sa natuwa sa desisyon ng ICC na imbestigahan ang war on drugs. (MJD)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,