30

Jul 22, 2021 @ 16:18
By

Akbayan sa huling SONA: ‘Goodbye Duterte’

Ipagdiriwang ng grupong Akbayan ang Hulyo 26 – araw ng huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte – bilang “Goodbye Duterte Day.”

Ayon ito sa pahayag na inilabas ni RJ Naguit, spokesperson ng Akbayan party-list.

“There will be two prominent words from the public that will mark Mr. Duterte’s last SONA. They will not be ‘thank you,’ but, ‘goodbye, Duterte,” saad sa pahayag.

“We will bid goodbye to Duterte’s legacy of tyranny, killings and impunity and say hello to truth, justice and accountability,” dagdag pa ni Naguit.

Biyernes pa lang umano ay magsasagawa na sila ng pre-SONA rally sa Commonwealth Avenue sa Quezon City at sa harap ng opisina ng Commission on Human Rights (CHR).

At sa Lunes, mismong araw ng SONA, ay isang malakihang kilos-protesta ang isasagawa ng grupo kasama ang iba pa nilang kaalyadong organisasyon.

Ayon kay Naguit, naniniwala silang ang buong SONA ng pangulo ay puno ng kasinungalingan.

“On July 26, the public will suffer to witness Mr. Duterte’s valedictory SONA, the country’s biggest fiction show of the year. It will be full of absurd claim-making, fake news and empty boasting. However, the truth cannot be denied. Mr. Duterte’s last SONA will be the summary conclusion of his broken promises and colossal failures,” pahayag pa ni Naguit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?