38

Aug 24, 2020 @ 19:28
By

Akbayan sa gobyerno: Protektahan mga sundalo

Nanawagan si Akbayan chair Emeritus Etta Rosales sa gobyerno na agad siguruhin ang kaligtasan ng mga Pilipino at mga sundalo matapos ang naganap na kambal na pagpapasabog sa Jolo, Sulu nitong Lunes.

Kasabay nito’y kinondena ng grupo ang pambobomba, kagagawan man ito ng mga terorista na sinasamantala ang pagkamatay ng mga sundalo sa kamay ng mga tiwaling pulis kamakailan o mga grupo na nais lamang gumawa ng gulo para mabigyang-katuwiran ang revolutionary government.

Giniit din ng Akbayan ang komprehensibong imbestigasyon para mapanagot ang mga salarin sa malagim na pambobomba.

“Pinapatay na ang ating mga sundalo, kung hindi sa kamay ng mga abusadong pulis, sa bomba naman ng mga terorista. As Commander-in-Chief, Mr. Duterte has a duty to our soldiers. Tumbasan naman niya ng trabaho ang kanilang tapang at sakripisyo,” pahayag ng Akbayan.

“We demand Mr. Duterte to immediately convene his national security council and consult with different stakeholders to come up with a sustainable framework to address the incident. We demand proof of work, not only proof of life,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?