151

Aug 1, 2021 @ 20:24
By

Akbayan pinangalanan nominees sa 2022

Nilabas ng Akbayan Partylist ang kanilang mga pambato bilang nominees sa 2022 elections nitong Linggo.

Sa isang press release, inanunsyo ng Akbayan na sina Percival Cendana, Raymond John Naguit at Cristina Oganiza ang kanilang magiging una, ikalawa at ikatlong nominee sa 2022 elections.

Ang tatlo ang inihalal ng mga miyembro ng partylist sa idinaos nilang 8th Regular National Congress.

Si Cendana ay dating National Youth Commission (NYC) Commissioner, na kilala bilang tagapanguna sa pagsusulong ng karapatan ng mga miyembro ng LGBT group.

Samantala, si Naguit naman ay ang kasalukuyang spokesperson ng Akbayan at bumuo sa Youth for Mental Health Coalition. Naging chairperson din siya ng Akbayan Youth.

Habang si Oganiza naman ay ang bumuo sa Cebu Citizens’ Assembly at kilala bilang women’s rights advocate.

Samakatuwid, ang mga pambato ng Akbayan bilang mga nominees ay isang LGBT activist, isang health advocate at isang feminist. (MJD)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?