48

Oct 6, 2021 @ 15:57
By

Akbayan Party-list inakbayan si Leni

Inendorso ng Akbayan Party-list ngayong Miyerkoles si Bise Presidente Leni Robredo bilang kanilang pambato sa pagkapangulo sa 2022.

Sinabay ng Akbayan sa paghain nila ng certificate of candidacy (COC) para lumaban sa party-list elections ang pag-endorso nila kay Robredo.

Sa isang statement, sinabi ng grupo na tiwala silang ang pangalawang pangulo ang sagot para maputol ang pamamahala ng administrasyong Duterte at mapigilan ang pagbabalik sa kapangyarihan ng mga Marcos.

“Among the list of presidential contenders, VP Leni is the clear democratic alternative. Filipino voters no longer have to settle for ‘pwede na’ candidates among the crop of former tyrant enablers, or watch helplessly as they fall prey to the schemes of truly evil leaders such as the Dutertes and Marcoses of this world. We now have the best candidate who can truly heal our fractured nation and lead us back to the path of democratic governance,” pahayag ni Akbayan first nominee Perci Cendaña.

Bukod kay Cendaña, katuwang ng Akbayan sa pagsuporta kay Robredo sina Senadora Risa Hontiveros, dating Commission on Human Rights (CHR) Chairperson Etta Rosales at dating National Anti-Poverty Commission (NAPC) Secretary Joel Rocamora.

Bukas, Oktubre 7, sinasabing may mahalagang pasabog ang pangalawang pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?