266
west-philippine-sea
Apr 25, 2019 @ 13:15
By

Akbayan nagprotesta sa panghihimasok ng China sa West Philippine Sea

Nagtipun-tipon ang mga miyembro ng Akbayan party-list sa harap ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Pasay City nitong Huwebes (Abril 25) upang iprotesta ang pagpasok ng mga Chinese sa West Philippine Sea.

Inalmahan ng grupo ang naiulat na poaching ng mga giant clams na ginagawa ng mga mangingisdang Chinese mula sa katubigan ng Scarborough Shoal.

Ang naturang poaching ay nagbunsod sa pagpapadala ng diplomatic note ng DFA sa China at pagbababala nito na gagawa ng legal na aksyon ang bansa sa di umano’y paglabag ng China sa ‘conventions on environmental protection.’

Layunin ng protesta na manawagan sa Pangulo na komprontahin nito ang Presidente ng China sa di umano’y incursions na ginagawa nito sa WPS.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?